Kung gusto nyo pa rin subukan mag mine kahit hind sulit ang kita (sa opinyon ko lang), eto mga materials.
Eto pinakasikat na forum ng bitcoin at altcoin. Diyan kayo makakakita ng mga bitcoin mining equipment at types ng video card na suggested at software para sa altcoin.
bitcointalk.org
Bawat altcoin, may wallet software at mining software. Download lang at i-setup. Yung instructions naroon sa thread page ng coin.
Pag nasetup mo na yung software na pang mine ng altcoin (may pang windows at linux) at may naipon ka ng altcoin sa wallet software mo. Kelangan mo sya ibenta sa bitcoin, tapos yung bitcoin i-b-benta mo para maging peso.
Eto naman yung sikat na exchanges kung saan mo ibebenta yung altcoin mo para maging bitcoin. Gagawa kayo ng accounts dito.
bittrex.com/
www.poloniex.com
Kapag hindi listed diyan yung altcoin nyo, doon kayo sa exchange na listed yung coins nyo. Yung info na yan, naroon din sa thread ng coin sa bitcointalk.org.
Sa digital exchange, gagawa ka rin ng wallet address para sa altcoin mo. Tapos, mula sa PC mo, may wallet software ka ng altcoin mo. I-t-transfer mo yung coin mo mula sa wallet mo, papunta sa wallet address sa coin exchange.
Pag nasa digital exchange na yung altcoin nyoo, pwede nyo na ibenta para maging bitcoin. Parang stock exchange yan, may mga bid at ask. Bitcoin o BTC kasi ang common currency ng mga coin exchanges. Pag may bitcoin ka na, kelangan mo naman maging peso yan. Gawa ka muna ng account sa mga local website na nagcoconvert ng bitcoin to peso and vice versa. Halimbawa ay ang coins.ph. Gawa ka dyan ng account, tapos gawa ka ng bitcoin wallet address.
Mula sa bittrex o poloniex digital exchange, i-transfer mo yung bitcoin mo papunta sa wallet address mo sa cons.ph. Tapos kapag nasa coins.ph na, pwede mo na ibenta sa coins.ph. Sa coins.ph, may option doon para matransfer yung peso sa bank account mo.
Kung mura o libre kuryente nyo, yan kikita kayo sa mining. Hindi mura ang kuryente sa Pilipinas depende na lang kung may solar panels kayo. Kung wala, tulad ng sabi ko, para sa akin hindi sulit. Baka yung gagastusin nyo sa pagbili ng high end video cards, mas maigi pa mapunta sa ibang negosyo na mas mabilis ang ROI.