@brunoski,
Boss, depende sa video card at altcoin. Altcoin na lang pag usapan natin kasi nga malulugi ka sa kuryente kung Bitcoin ang miminahin mo na gamit ang ASIC mining hardware.
Sa bawat altcoin, meron estimated number of coins na pwede mo makuha gamit ang isang video card. Itong data na ito, makikita mo sa thread ng altcoin sa bitcointalk.org forum o kaya sa website ng altcoin. Sa estimated hash power ng video card mo, may equivalent estimated average sila kung ilang coin makukuha mo. Yung hash power ng video card, makikita mo rin yan sa bitcointalk forum o via google lang.
Halimbawa lang (hindi ito actual), monero coin, gamit ang 750 TI. One monero coin in one day. Tapos i-check mo sa exchanges kung ano equivalent sa bitcoin ng monero coin at equivalent sa philippine peso. Tapos sa kuryente, 60 watts ang kinakain ng 750 ti sa full load. Full load lagi ang video card mo pag ginamit mo sa mining. Sa data na yan, macocompute mo na kung magkano kuryente ginamit mo sa Monero coin na na-mine mo. Tapos bawas mo cost ng kuryente. Sa natitirang kita mo, ibawas mo cost ng video card. Macocompute mo kung gaano katagal bago mo mabawi video card. Yan ay assuming na sinabay mo lang sa server mo yung pagmimina.
Kung gagastos ka ng 5k to 10k sa video card, tapos mababawi mo in 6 months to 1 year yung puhunan mo. Hindi ba mas maigi na lang na magtinda ng fishball o balut sa shop? Baka wala pang isang buwan, bawi mo na yung puhunan mo na 1k to 2k lang na puhunan at kumikita ka na.