Ginalit na naman ako ng isang player ko...yung nail cutter ko na nakalagay sa table ko ay kinuha na lang at ginamit na pangputol ng kuko niya sa paa habang wala ako sa shop at kumakain. Ayoko pa naman na ginagamit ng iba ang mga personal kong gamit.
Decikator wrote: Ginalit na naman ako ng isang player ko...yung nail cutter ko na nakalagay sa table ko ay kinuha na lang at ginamit na pangputol ng kuko niya sa paa habang wala ako sa shop at kumakain. Ayoko pa naman na ginagamit ng iba ang mga personal kong gamit.
Last year...estimate ko ay tatagal pa ng mga 1-3years 'tong shop...ngayon...estimate ko ay baka tumagal na lang 'to ng 1-2years kung patuloy ang trend na pakonti ng pakonti ang nagko-computer ngayon.
Kung nag-aabono ka na ay kailangan mo na talagang magsarado. Tingin ko ay baka wala pang 3years ay mangalahati na lang ang computer shop dito sa lugar namin.
Iniisip ko nga kung bumili na lang ako ng mga passenger jeepney at maging operator na lang...ang problema naman ay pine-phase out na ata ang mga jeepney ngayon. At mukha naman atang sirain ang mga electric jeepney at saka hindi makakaakyat ng tuloy dito sa lugar namin...saka binabaha ata ng hanggang digdig dito sa Balintawak.
bakit iniisip mo ang problema eh hindi pa naman nangyayare, kung risk taker ka alam mo naman siguro ang reward nyan kapag ok ang lahat, ngayon nangyayare na ang problema sa shop, at di ka gumagalaw para may mabago dahil iniisip mo ang problema na hindi pa naman nangyayare sa binabalak mo ng business....