Hi po sa lahat, plano ko na pong mag printing business sa aming lugar, ang binili ko pong printer ay EPSON L360 medyo may kamahalan yung presyo mga 1k+ yung isang set ng ink (Bale 270) bawat isang maliit na bote ng ink pang refill (Makaka refill ng 1 ink tank at may half pang extrang matitira sa isang bote pang refil). Ngayon po wala pa akong ideya kung papaano mag patong ng mga PRICES SA SERVICES. Matutulungan nyo ba ako sa pricing ng servicing? Yung hindi ako malulugi and at the same time medyo magaan sa bulsa ng mga costumers yung PRICES po. Thank you for reading my somewhat S.O.S! God bless you po!