opinion lang po...
masyadong mahigpit, bi-nan mga nagpapasaya (na sa tingin ko naman hindi naman dapat seryosohin ng mga mods)
kumbaga ano nagpapasaya sa barkada? yung kalog na isang kasama (kaya masaya ang barkadahan dahil sa kanya/kanila)
kaya anong nangyari kung nawala ang mga nagpapasaya at naiwan lahat ng mga serious? ... etong thread na ito...
at dahil mukhang gustong kainin lahat ng facebook ang lahat ng innovation (hint: dati nag y-ym pa tyo, nasan na napunta ym?)
natatakot lang ako sa kahihinatnan ng mga forum (dahil meron na ring pamalit sa fb nito, integrated na rin sa social media...)
i blame partly sa paghihigpit ng forum...yes maganda naman talaga ang hangarin...pero compare nyo siguro ulop noon at ngayon...sino2x lang ba ang nawala?)
dahil sa nawala ang mga nagpapasaya sa forum, sa tingin ko parang nawalan na ng gana ang iba na magparticipate sa mga topics, discussion, etc., at siguro lumipat na siguro sila sa ibang medium/etc kung saan nabibigyan sila ng laya na magpahayag ng walang pumipigil sa kanila...
uulitin ko po, opinion ko lang po ito...i must admit mahal ko lang po ulop at syempre na mi-miss din yung mga users na nagbibigay ng saya sa discussions/post na na-ban na...sana po wag nyo po ako isama sa kanila... :)