regarding text speak, sa tingin ko dapat bawal din. common abbreviations siguro ok lang.
typographical errors, of course, can't be avoided all the time. at ok lang yung ibang shortcuts like 'pag' for 'kapag', etc. yun bang ginagamit din natin sa normal conversation. as opposed to this example:
\"dhil sa mga gngwa nyong 2, mauubos lg mga internet cards nyo o ung bill nyo sa dial-up <tma b?> na wla mn lg ka kwnta2 gngwa nyo... may point mn kau sa mga sinasabi nyo, pero wla kaung point sa gnagwa nyo... <hanapin nyo sa cartesian plane kung mahahanap nyo ung point nyo> tska kinakarir nyo na kc ang pani2ra... haay... wag mxdo makitid ang utak <sori 4 d term>... f that's how dey want der music 2 b hayaan ntn cla...\"
yung nagsulat niyan, para sa kanya e madaling basahin at maintindihan yan. so where do you draw the line? ano ba yung naiintindihan ng lahat?
saka ang problema pa, nakakasanayan na ng iba yung text speak. i assume majority e mga bata pa kasi. pero tayong mga adults dapat ituro sa kanila ang tama. tulong na din sa kanila na maging strict tayo dito para naman maging maayos ang pagta-type nila. paano na kapag tumuntong sila ng college o kaya magtrabaho? baka unconsciously e text-speak pa din ang gamit nila sa mga formal documents. may nagkuwento sa akin na may kaklase daw siya sa high school, nag-present ng report na ang visual aid e naka-text speak!
bottomline, we are able to communicate effectively because we have a common language. yung text speak, parang ibang language na e. so since hindi siya common, dapat bawal siya. masyadong subject to interpretation ang \"basta naiintindihan\".
sangayon ako sa pagiging strict sa TPC. except lang yung pag-lock ng thread. dapat suspension at banning ng offender lang dahil sayang nga naman yung info na di na accesible tuloy. masyadong frustrating ang kawalan ng disiplina ng ibang members doon. another proof na ingrained na sa ibang bata yung text speak.
my 2 centavos.