xicowner wrote:Hindi ko alam kung meron nang nag-suggest o nag-inquire kung paano ma-improve ang pag-moderate ang isang miyembro dito sa ULOP. The recent incident wherein a wayward member has gone ballistic had made this query and/or suggestion timely and important.
Sa Yahoo Groups, pag ang isa o higit pang bilang ng members ay nakutuban ng forum moderator(s) na pwedeng maging wayward base sa takbo ng diskusyon, pwede silang ilagay agad sa moderated status na ang ibig sabihin ay hindi mapo-post ang kanilang messages hangga't hindi i-approve ng isang moderator. Napaka-effective ng moderator privilege na ito upang maiwasan ang mga heated arguments sa isang thread. Sana ay mayroong ganito sa ULOP forum.
Sa shoutbox naman, may mga instant messaging (IM) programs na pwede i-kick ng moderator ang isang chatter (shouter) upang di siya maka-post during a defined period of time. Sana din ay magkaroon ng ganito yung shoutbox natin.
Sa obserbasyon ko, halos lagi namang may ULOP moderator na online upang ma-exercise ang above privileges kung sakali. Siguro, nung time lang ng 3rd Anniversary EB walang moderator na online. Correct me if I am wrong.
Please consider this...
Pede po ba natin ma consider na ung mga thread setter kapag may posting , isama ung kanilang tunay na identity o magpakilala nang sa gayon ay mawala kaagad ang mga pag aalinlangan sa kung ano mang pakay meron cya.
Napansin ko po kasi ung mga recent post, medyo bukod sa nakapag dududa ang intention nakapgsisimula pa ng mga maling interpretasyon o spekulasyon..
If we analyze, kawawa naman po ung mga other person or third party involved, hindi naman natin napapakinggan ung kanilang mga side sa issue, unless member or may access din cla sa ULOP.
Lets not be judgmental to others, kasi alam naman natin hindi lahat ng mga posters d2 ay nagsasabi ng totoo.