anong mga negosyo nyo ang naluge at nagsara na? at bakit?
sakin ito:
manokan (panabong) - magasto at mga barat mga tao dito... isa rin problema ay hindi accessable maxado ang lugar ko, may mga customer from malayo (southern leyte) pero di ako makapag ship 2 rides kasi sa van.... from samar ako... hindi rin kasi mabibili mga manok mo kahit galing pa yan sa magagaling na breeder kong di ka sisikat sa mga derby at mga sabong....
Car Wash - started small wala naman maxadong kapital, isang pressure washer lang at mga tire black, pang shine. etc... yung din mahirap hindi pa ganun kadami ang tao dito bihira lang papa car wash motorcycle wash minsan meron..... pero sobrang tumal...
Lotto outlet - ito pinaka matagal, 10 years mahigit, nag sara lang kami, kasi sa maliit na town namin, 3 na ang franchise ng lotto... Nung una mahigpit na pinapatupad ng PCSO ang 100 meters ata yun na hindi ka pwedi mag open ng branch.... ngayun, kahit kunti lang ang sales ng isang lotto outlet, tapos may nag apply sa PCSO for nearby branch, papayagan nila, bakit? kasi ang bawat branch meron franchise fee na around 50K, sempre meron din mga under the table para ma approvan ang branch... at sempre may payment din ang bawat branch kilangan mag renew din ng contract.... hindi pa naman luge kasi sariling poesto pero nakaka tamad na its not worth it, nasa 2-3K nalang sales everyday, 5% lang sa sales ang mapupunta sayo