rsalvador wrote:
ndldiver wrote:
gerald1383 wrote: Nakasali ako dyan sa Battle of the brains... Kaso talo wahahah...
ahh ... di bale master ... at least na-exercise mo brains mo ^_^
eh kumpara ngayon mapapailing ka na lang sa mga palabas tsk!
agree! basura talaga mga palabas ngaun.
kaya more than ten years na akong di nanonood ng local TV channels. minsan sulyap lang sa balita, pero yung magabang ng palabas...wala na.
kung tatanungin mo ko kung sinong sikat na artista ngaun... ive got no freaking idea.
May mga telenovela na sa paningin ko ok naman ang pagkaka gawa.
Dati inis ako manood ng mga ganyan. Nung nagkapamilya na ako at missis ko gustong manood e walang magawang e di nood din. Dito ko nasimulan ma appreciate yung production ng isang telenovela in terms of camera focus, acting, event twist etc. Pero hindi yung mga kilig moments. Ang ina appreciate ko yung pag kaka gawa.
isang example yung telenovela sa abs-cbn yung 'Tayong dalawa' starring Kim Chui, Gerald and Jake Cuenca. Na appreciate ko yung mga scenes, story line, delivery, timing ng music sa scene.
Medyo masasabihan kang baduy pag nano nood ka ng ganung telenovela samatalang isa kang techie guy. Pero focus mo dun sa pagkakagawa not on the actors or kilig moments.
Try mo i download or buy yung DVD nun.