TOPIC: Pisonet review 2019

Pisonet review 2019 16 Mar 2019 13:26 #1356885

  • madintel's Avatar
  • madintel
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 10386
  • Thanks: 393

Thea wrote: Dito okay naman. 9am na ako nagbubukas. Within 15mins today, puno na ang shop ko and now may 4 waiting customers. Although 8 lang din naman units ko pero may dalawang computer shops na malapit sa akin at pisonet na nasa tapat ko lang. Laging punuan rin yung pisonet dito dahil 6/hr lang. Although may mga araw nga na sobrang tumal.


kaya pala puno parate kasi 6/hr

panigurado naka jumper yan kasi wala na sya kita sa 6pesos kung legal kuryente nya

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 16 Mar 2019 15:55 #1356901

  • Thea
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 238
  • Thanks: 17
^ Yan din tingin ko. Naka-jumper. Ako nga naka-electric fan lang lang pero 12/hr eh maliit lang net income. Yun pa kayang 6/hr?

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 20 Mar 2019 00:05 #1357049

  • hbouno's Avatar
  • hbouno
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 791
  • Thanks: 102

Thea wrote: Dito okay naman. 9am na ako nagbubukas. Within 15mins today, puno na ang shop ko and now may 4 waiting customers. Although 8 lang din naman units ko pero may dalawang computer shops na malapit sa akin at pisonet na nasa tapat ko lang. Laging punuan rin yung pisonet dito dahil 6/hr lang. Although may mga araw nga na sobrang tumal.


Grabe naman yang 6/hr samantalang nasa 2-3 php/hr na ang consumo ng pc. Dito nga sa amin, marami na akong mga kakompetensya, para silang mga kabuting nag sulpotan. Tig 8-10/hr ang rate nila tapos naka fibr pa. Ako stay pa rin sa 12-15/hr. Ayokong mag change ng presyo, pataas ng pataas ang mga bilihin kada taon tapos tayo pababa ng pababa. Planing na rin i renovate ang boarding house namin from 2 storey to 4-5 storey building.

Successful naman ang plano kung maka pag expand kahit nasa malapit lang bago magsulpotan ang mga kabute, atleast di gaanong na affected ng bugso ng migration ng mga customer.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 20 Mar 2019 10:32 #1357072

  • pressF8's Avatar
  • pressF8
  • Offline
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 291
  • Thanks: 52
malakas ngayon summer na umabot ng 11pm hindi pa tapos mag laro kasi punoan sa morning hangang hapon.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 20 Mar 2019 11:14 #1357085

  • Thea
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 238
  • Thanks: 17
Tingin ko naka-jumper kaya ayos lang na nasa 6/hr siya. Kung hindi naman, kumikita pa rin yun kung laging punuan. Hindi naman mahal masyado kuryente dito. Mas problema ko ang brownout everyday na umaabot ng 3-4 hours. Kaya 8-9 hours lang bukas shop ko.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 20 Mar 2019 15:59 #1357104

  • pressF8's Avatar
  • pressF8
  • Offline
  • Senior Boarder
  • Senior Boarder
  • Posts: 291
  • Thanks: 52
grabe naman yang 6/hr parang nasa meralco siguro nagtatrabaho my-ari nyan. magkano lang kita mo sa isang araw nyan? oki lang kung 24/7 naka bukas unit baka kikita ka sa 6/hr

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 20 Mar 2019 16:34 #1357107

  • Thea
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 238
  • Thanks: 17
Hahaha. Nagulat nga ako nung nalaman ko. Ilang beses kong tinanong yung isang bata. 6/hr daw talaga kasi 50mins daw kung naghuhulog siya ng limang piso tapos 10mins naman kung piso. Mas nauna kasi yung pisonet pero di ko alam talaga na may pisonet nung nag-survey ako ng area (kahit kapitbahay ko pa) kasi sobrang tago. Tapos nung nagtanong ako kung may ibang internet cafe, hindi naman nila na sinasabi na may pisonet dun kasi iba ang pisonet at internet cafe para sa kanila (tama nga naman). Nakalimutan kong tanungin yung bata kung 6/hr na talaga dati pa o binaba lang presyo para pabagsakin ako. Kaka-1 yr pa lang ng shop ko. Sa awa ng Diyos, kakabawi ko lang din ng investment ko. Napupuno pa rin naman ang shop ko kaso nung nagdagdag ng units yung pisonet, postponed na muna yung balak kong magdagdag ng units. Focus na lang talaga sa customer service at other services such as printing and photocopy. Ayaw kong magbaba ng presyo.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 20 Mar 2019 20:24 #1357139

  • TheBeyonder's Avatar
  • TheBeyonder
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 941
  • Thanks: 113
bat kayo maiingit sa punuan pero 6 pesos per hr? niloloko nya lang sarili nya haha. yang dagdag pc nya di sa kita yan kundi sa utang yang galing. 12hrs nyang puno vs 6hrs mong puno same lang kayo XD. kung 20 per hr ka kahit 3 1/2 hrs ka lang mapuno solve ka na XD XD XD

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 20 Mar 2019 20:32 #1357140

  • Thea
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 238
  • Thanks: 17
Alam ko naman po yun, Sir. Hehe. Hindi naman sa naiinggit pero di rin natin mapagkakaila na may epekto pa rin kung may 6/hr sa tapat niyo. Pero ayos lang. Like I said earlier, kumikita pa rin naman ang shop ko. Hindi ko lang alam bakit hinihila natin yung isa't isa pababa.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Pisonet review 2019 20 Mar 2019 21:48 #1357142

  • clment1's Avatar
  • clment1
  • Online
  • Junior Boarder
  • Junior Boarder
  • Posts: 142
  • Thanks: 3
Matumal nga talaga ngayon dito samin sa umaga 1 or 2 lang naglalaro at mapupuno lang sa hapon hangagn gabi kapag puno na sa kabila.1peso per 6minutes ako pero ang iba 1 peso per 8minutes may plan ako 1peso per 5minutes sa bago kung unit kahit marami kalaban dito xD :D kasi win 10 na need na legit software sa win 10 dahil ayaw gumana ang pike maraming driver sa latest cpu na mag exclamation mark.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

  • Page:
  • 1
  • 2
Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.086 seconds