I have to admit, madali ako magsawa sa mga bagay o tao. Pero mostly sa mga gawain. Sawa na ko sa shop. Dati, ang sigasig at tyaga ko, may mga pwesto pa ako na iniwan ni hubby. Lahat un, binitawan ko na. Itinira ko na lang itong shop na alaala ni hubby. Pero maski ito napapabayaan ko na rin. Pero never ko sya iko-close kasi kay hubby to na brainchild eh.
Now, nakafocus ako sa ibang negosyo na nagma-manage lang din ako at sa pagtuturo syempre. Pero minsan, naiinis sa mga tauhan pag di nasusunod ung gusto ko o nagkakamali sila. Pero dahil gusto ko ang ginagawa ko ngayon, i always look forward pagdating ng gabi para magkwenta ng sales hahaha