Since bibili ka pa lang at may mga bagong available APUs recently, IMHO Sa pinakamurang configs dalawa choice mo:
Intel Celeron + GT 730 DDR5 (wag bumili ng 128-bit) + everything else
AMD A8 7600 + everything else
Mas mahal ng 400 yung A8. Gaming performance-wise yung Intel config pa rin mas ok. Mas malinis upgrade path nung Intel. Yung power consumption nila AFAIK halos pareho na (malaki ibinaba ng TDP ng Kaveri APUs) So bakit mo icoconsider yung APU? Processor performance mas mataas. Di mo na kailangang mag-alala sa maintenance ng video card. Kundi lang overpriced sa atin ang AMD parts ($92 lang ang MSRP ng A8 7600) mas ok sanang i-consider yung APU, pero sa ngayon unless bababa yung P5,050 price tag ng A8 7600 sa tin mas ok na talaga yung Intel config.
Wag ka makikinig sa nagrerekomenda ng 2gb na entry-level cards like R7 240. Gimmick lang yung extra 1gb sa mga cards na yan. Walang epekto sa bilis ng card yung laki ng memory. Kung hindi available yung GT 730 DDR5 pero yung R7 240 DDR5 available sa supplier, yung 1gb version lang kunin mo.
Since malaki budget mo anong pwede mo improve? Nasa 16k lang yung Intel config minus PSU, may extra 4k ka. Personally part of that ibibili ko ng PSU na mas matino ng konti kaysa generic. Might want to ask around, limitado lang mairerekomenda ko. FSP Hexa gamit ko for 2 years now, no AVR, wala naman nagiging problema, pero may Capxon capacitors yan na sabi ng karamihan walang kwenta.
May 2-3k ka pang extra. Pinakamalapit na upgrade sa 730 DDR5 should be GT 740, R7 250 at HD 7750. Nasa 4k lahat AFAIK. HD 7750 best sa tatlo, pinakamababa din TDP. Problema hirap na maghanap nyan. Sunod R7 250x, nasa 4.5k siguro, pero kelangan na nyan ng extra power galing PSU. Mas mababa ng konti kesa GTX 650 power consumption. Next GTX 750, ayos performance, low power. P5,300 lang yung pinakamura. Nasa 1k+ diperensya ng GTX 750 Ti kaya personally para sakin di na sulit.
I don't really recommend going for 8GB RAM yet. Minsan nadadala tayo ng kung anu-anong promotional articles online. Kakatapos ko lang laruin Witcher 2 habang bukas Photoshop na may 2 animation, CoC sa bluestacks, Steam at YM sa background. 4gb RAM, sakto lang takbo.