hindi naman problema ang pagkuha ng mga legal documents to run business, ang problema kasi dyan... yung mga tao magtatayo ng negosyo at yung mga na nasa likod ng pag papatupad ng batas, like DTI, BIR, SEC, Mayor's Permit at baranggay...ilan sa mga factors kung bakit mahirap at nakakatamad kumuha ng permit ay:
- paiba iba ng hinihinging requirements
- kailangan magpadulas ka para mas mabilis gawin ang mga papeles mo
- hindi alam ng magtatayo ng negosyo ang mga uri ng pag nenegosyo. (sole proprietorship, partnership and corporation).
- imbes na padaliin ang prosesso ng mga permit, mismong mga ahensya ng gobyerno ay magkaka salungat sa kanilang policy, kaya pag nag bigay ka ng papeles sa kanila dapat handa kang mag adjust sa mga hinihingi nila...
- tusong negosyante na wala talagang balak kumuha ng permit (ask DV...)
- POLITIKONG SAWSAWERO...
- one sided treatment sa mga lower class vs. upper class...
another thing hindi ako sigurado kung tama ang sinabi ni Villar na dapat hindi muna kumuha ng permit for 6 months to "test the water" of their business, maari kang mag operate habang nilalakad mo yung mga papeles mo pero never kang mag ooperate nang wala kang inaasikasong permit, parang inamin nya na mismong sya ay pina- practice nya ang ganung sistema, papaano kung within 6 months ay nag prosper sya at para makaiwas sa pag gawa ng permit ang gagawin nya ang lilipat lang sya ng pwesto, so papaao mahahabol ng gobyerno yung tax na kinita ng negosyante???
tungkol naman sa pagka lugi, hindi mo naman papasukin ang isang negosyo kung nag aalangan ka di ba? kaya nga tayo gumawa ng "Feasibility Studies" para ma foresee na natin ang magiging scenario at para makagawa na tayo ng plan A to plan Z...na kasawiang palad ay hindi ginagawa ng iba nating kapwa Pilipino in other words "Bara-Bara, Bahala na at Pwede na yan" System...
.