maganda pa ba magbusiness ng internet ngayong 2020?

  • tawipantalan
  • Topic Author
  • Offline
  • Fresh Boarder
  • Fresh Boarder
More
1 month 1 week ago #1367643 by tawipantalan
Tanong ko lang, balak ko kasi magnegosyo ng internet shop ngayong taon 2020. Gusto ko lang malaman kung tama ba ang plano ko sa negosyo na ito. Kung sakali, magtayo ako ng internet shop ilang pc dapat ang kailangan bilang starting units. Dapat ba brandnew ang units o secondhand? Dapat ba surfing lang o gaming din? Anong specs ng units ang kailangan dapat sa basic gaming na unit? Saan ang mas maganda para makatipid, deskless, pesonet or virtual machine software? Maraming salamat.....and hope to hear your advice.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Related topics

Topic subjectRelevanceDate of latest post
Kumusta connection ngayong tag-ulan?6.68Wednesday, 14 August 2013
maganda at murang resort or?5.4Wednesday, 15 April 2015
maganda ba bumili ng xbox 360 sa raon....5.29Wednesday, 20 May 2015
More
1 month 1 week ago #1367644 by Murdoc
boyfinger, pasok!!!!

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
1 month 1 week ago #1367663 by iceprince1st
Replied by iceprince1st on topic maganda pa ba magbusiness ng internet ngayong 2020?
Di na maganda internet cafe...marami na meron cp na nag lalaro ng mobile games.. sa food business ka na lang pumasok.. sunset na ang net cafe.. meaning palubog na ang araw sa internet cafe business...

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
1 month 1 week ago #1367664 by Decikator
Konti na lang ang customer ngayon...mag-aaksaya ka lang ng pera at hindi mo na mababawi ang puhunan mo.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
1 month 1 week ago #1367665 by Murdoc
ang magandang pag tayuan lang ng internet shop, yung mga village na walang telco, pero maraming population na mga baryo, pwedi ka mag deploy ng p2p dun at gawing 20 per hour.....


pero sa mga area na congested na maxado, mahirap na makipag sabayan marami ng P10 per hour.....


isip ka muna baka masayang lang pera mo

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
1 month 1 week ago #1367670 by boyfinger
tanungin mo muna ang sarili mo? bakit compshop? dahil hilig ko? kung ganun ituloy mo kung ang nangingibabaw sayo ang hilig mo pero sa kita ay goodluck ka na lang malinaw pa sa sikat ng araw kahit mag risk management ka ang kikitain mo lang ay mataas na rank sa games mo(hawak mo ang oras mo sa paglalaro) at pang snack na para lang sa sarili mo, applicable lang ito sa may sariling pwesto at pagiging isip bata mo, kung hindi ok sayo iyo yun at itinuloy mo pa din ay magagaya ka lang kay murdoc na hari ng kadramahan at reklamo sa industriya,

pero kung ang habol mo ay kumita tulad ko, ituloy mo pero hindi mo sya gagawing main source ng income mo isa lang sya na magbibigay konting income sayo, ibig ko sabihin may ibang business ka din na magbibigay sayo ng income, isang maliit na sangay lang si compshop

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
1 month 1 week ago #1367684 by Murdoc
mag breed ka nalang ng gagamba, at mag benta sa kalye... mas malaki pa kita, diba boyfinger?

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
1 month 1 week ago #1367687 by cutielachrimal
Replied by cutielachrimal on topic maganda pa ba magbusiness ng internet ngayong 2020?
hindi na po. wala na masyado assignment mga students ngayon. dyan lang halos kumikita ang computer shop noon. kalaban na ang cellphone pagdating sa gaming..

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
1 month 1 week ago #1367690 by madintel
covid19 ang papatay sa business naten this year lalo na next year

this year magmamahal lahat ng computer at parts by 60% itataas

this year o next year posible lahat ng bansa kasama phils under lock down na sa dami ng infected wala na lalabas ng bahay para mag compshop

Please Log in or Create an account to join the conversation.