Unang tanong ay gaano ba kalaki ang lupa? Ano yung dimensions? Mas maigi kung pareho kayong may access sa current road. Kasi kung hindi, yung harap na hati ay kailangang magbigay ng right of way sa likod na hati. Hindi niyo mamamaximize ang lupa dahil sa right of way na yan (assuming na ibabakod niyo ang dalawang lote). Pero pangit rin kung pareho nga kayong may immediate access sa road pero masyado namang pahaba at makitid ang lupa. Kaya nakadepende talaga yan kung ano dimensions ng lupa niyo.