Maraming beses ng naitanong sa iba't-ibang threads dito sa ating forum ang tungkol sa ilang units ba ang kaya ng Smart Bro, Globe's Broadband Trader, Typan, Tycoon at PLDT Business Plans. Marami na ring beses nasagot ang mga tanong na ito pero wala yatang \"hard and fast rule\" o \"rule of thumb\" na nai-reply. Napaka-importanteng issue ito lalo na sa magdedecide pa lang na magbukas ng kanilang lanshop kaya naisipan kung umpisahan at ma-consolidate sana dito ang mga opinions sa subject. Kung meron naman na ganitong topic (na di ko nakita nang mag-search ako), please delete this topic na lang, mga kosang mods.
Sa kasalukuyan, pag nagtanong ka sa mga ISP kung ilang units ang recommended nilang i-connect sa mga plans nila, malamang ganito ang maging sagot nila. Pag residential plan na 384Kbps, isang unit lang. Yung lowest business plan na 1.5Mbps (kuno), good for 3 to 5 units daw, and so on and so forth. Natural lang sa ISP na i-recommend ang mga nabanggit dahil, syempre, gusto nila kumita ng malaki sa isang subscriber.
Pero ano nga ba ang bandwidth (in Kbps) na kailangan i-allocate sa isang unit ng PC na nasa lanshop? Syempre, ang sagot dito \"depende\" at dahil dito ay kailangang linawin kung saan depende at matapos malinaw yung depende ay ano ang recommended bandwidth.
Umpisahan ko ng yung \"depende\" at anong bandwidth ang recommended. Noong Year 2000 na dial-up (28.8Kbps) pa lang ang Internet connection na available, sa apat (4) na units namin sine-share ang connection. Yung may ISDN (64Kbps) nung panahon na yun, hanggang walo (8) ang pwede i-connect. This means 8Kbps per unit lang ang rule of thumb but please take note that wala pang online games at video streaming nung panahon na yun.
Paki-share naman yun mga knowledge natin sa topic na ito, mga kakosa.