Tingin ko okay na yang 300gb for games and streaming kung for 5 units lang. Pero dapat walang ibang naka-connect like yung nagbabantay ng pisonet/tao sa bahay. And anong ibig mong sabihin sa net limit for streaming (may idea ako anong ibig mong sabihin pero I want to make sure)? Paano mo gagawin? Hindi speed ang problema mo, yung data usage. Maigi mong gawin is maghanap ka ng mga paraan para hindi sila pwedeng magdownload. May mga nagdodownload ng cheats at minsan kapag batang walang alam, kung anu-ano ang pinipindot, nagdodownload na pala.
Curious question: Magkano per hour yung pisonet mo? Medyo mahal na kasi internet mo for 5 units. And 2 years contract ba?