Para po sa mga ULOPians na walang available DSL sa area or not feasible for installation/connection ang location at nagtitiyaga sa Smart Broken or Globe Wimin...try niyo po yung katulad ng setup ko sa Computer Shop ko. Bumili po ako ng 2 long range wifi antenna (Nano Station Loco M2) isang antenna as Access Point at isang antenna as station. Ang access point antenna ko po ay nakalagay sa bahay ng mga in-laws ko na may PLDT Landline at yung station antenna po nandito naman sa bahay/computer shop ko. 500 meters away po yung bahay ng mga in-laws ko sa bahay namin pero naibabato po yung wifi signal sa bahay ko. Maganda naman po yung connection kahit hindi clear line of sight yung 2 antenna. Hindi po napuputol. 1 week pa lang po nagooperate yung computer shop ko at maganda naman po ang tinatakbo kasi maliit lang ang bill ko kasi hati kami ng biyenan ko sa MSF. Kung interesado po kayo pwede ko kayong tulungan just PM me. Sana po makatulong ako sa inyo. Thanks!