TOPIC: Magkano ang charge nyo sa research ng mga students

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 13 Aug 2014 23:55 #826154

  • archbishop's Avatar
  • archbishop
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 17054
  • Thanks: 786

webservant wrote: ngayon lang mismo....

tomer: kuya pa-print po.
ako: san po?
tomer: search mo dyan kuya (sabay turo sa server ko)... digestive system po.
ako: ayyy,,, may iba ang presyo nun hindi lang print yun .. research na yun.
tomer: magkano po ba?
ako: bale P15 per page short depende pa kung madaming picture.
tomer: talikod agad at labas ng pinto lol


dati papaphotocopy pa ako sa library maglalakad saka isusulat ang buod ehehe.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 14 Aug 2014 10:14 #826275

  • maginoong bastos's Avatar
  • maginoong bastos
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2352
  • Thanks: 130
ako dati, libre na research. print na lang kaso namimihasa. kapagka nagandahan sa gawa ko, magtatawag pa ng mga kaklase, kaya ngayon supladong na ko. may bayad na mga tamads

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 14 Aug 2014 10:36 #826288

  • lanshop2010
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 2028
  • Thanks: 292
Napansin namin na na-spoil masyado mga customer ng internet cafe dahil sa dami ng internet cafe at sa mga shop na nililibre na lang mga services tulad ng mga gantio:

1. paprint, pero kukunin sa email o facebook, pero print lang babayaran
2. paresearch, libre research print lang babayaran
3. pa-scan tapos email, pero scan lang babayaran
4. pa print ng photo, pero libre ang background change o slight editing
5. pa-scan tapos print, pero libre na scan
6. pa xerox, tapos may tatakpan na area, may gugupitin, etc., pero xerox lang babayaran
7. papa print, tapos dami papaedit, libre din editing
8. etc.

Ok lang sana ilibre ang mga ganyang labor KUNG malaki ang charge sa printing at scan. Ang problema, mura na nga printing, nililibre pa ng mga shop yung services na ganyan.

Dumaan din kami sa ganyan pero nung nagpag isipan namin, lugi kami sobra. Marami kaso, mas mahal pa yung labor sa mga yan, kaysa sa pinapaprint, xerox o scan.

Kaya ginawa namin, wala na libre. Mag rent sila kung gusto nila mag edit, no editing na sa counter dahil super abala lang sa mga nagbabayad at ngapaparint. Wala na research o tutorial, magsama sila ng marunong dahil maiiwan ang counter, mananakawan lang kami, nanakawan na kami dati dahil sa assist sa customer.


Kung gusto nila ng convenience, magbabayad sila ng service fee, P30 kahit minor lang gagawin. Pag may nagreklamo na simple lang naman, bakit ang mahal, ang banat namin, simple lang pala, eh dapat ikaw na gumawa, bakit gusto mo kami pa gagawa para sa iyo. Prangkahan na pero mahinahon namin sinasabi yan. Isa lang naman ang tunay na dahilan, dahil tinatamad sila at gusto nila, ituturo na lang at ikaw ang gagawa.

Dapat efficient ang operation sa shop, walang abala na nagpapabagal sa operator lalo na yung mga libre na pag pinagsama sama mo, ang laki ng actual cost mo.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by lanshop2010.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 14 Aug 2014 10:37 #826289

  • szesoszphrenic's Avatar
  • szesoszphrenic
  • Online
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 2377
  • Thanks: 59
20 per page text only

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 14 Aug 2014 10:46 #826296

  • chidelrdr's Avatar
  • chidelrdr
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 818
  • Thanks: 30

szesoszphrenic wrote: 20 per page text only


25 naman sakin....kasama na print(black lang)

marami ako tomer na mga magulang,,ibibigay nalang sayo yung papel na assignment ng mga anak nila,,,babalikan nalang pagkagaling mamalengke...manghihila nalang ako ng tambay dito..

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by chidelrdr.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 14 Aug 2014 10:49 #826298

  • LOTR's Avatar
  • LOTR
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 18107
  • Thanks: 1957

lanshop2010 wrote: Napansin namin na na-spoil masyado mga customer ng internet cafe dahil sa dami ng internet cafe at sa mga shop na nililibre na lang mga services tulad ng mga gantio:

1. paprint, pero kukunin sa email o facebook, pero print lang babayaran
2. paresearch, libre research print lang babayaran
3. pa-scan tapos email, pero scan lang babayaran
4. pa print ng photo, pero libre ang background change o slight editing
5. pa-scan tapos print, pero libre na scan
6. pa xerox, tapos may tatakpan na area, may gugupitin, etc., pero xerox lang babayaran
7. papa print, tapos dami papaedit, libre din editing
8. etc.

Ok lang sana ilibre ang mga ganyang labor KUNG malaki ang charge sa printing at scan. Ang problema, mura na nga printing, nililibre pa ng mga shop yung services na ganyan.

Dumaan din kami sa ganyan pero nung nagpag isipan namin, lugi kami sobra. Marami kaso, mas mahal pa yung labor sa mga yan, kaysa sa pinapaprint, xerox o scan.

Kaya ginawa namin, wala na libre. Mag rent sila kung gusto nila mag edit, no editing na sa counter dahil super abala lang sa mga nagbabayad at ngapaparint. Wala na research o tutorial, magsama sila ng marunong dahil maiiwan ang counter, mananakawan lang kami, nanakawan na kami dati dahil sa assist sa customer.


Kung gusto nila ng convenience, magbabayad sila ng service fee, P30 kahit minor lang gagawin. Pag may nagreklamo na simple lang naman, bakit ang mahal, ang banat namin, simple lang pala, eh dapat ikaw na gumawa, bakit gusto mo kami pa gagawa para sa iyo. Prangkahan na pero mahinahon namin sinasabi yan. Isa lang naman ang tunay na dahilan, dahil tinatamad sila at gusto nila, ituturo na lang at ikaw ang gagawa.

Dapat efficient ang operation sa shop, walang abala na nagpapabagal sa operator lalo na yung mga libre na pag pinagsama sama mo, ang laki ng actual cost mo.


nasa category sila ng charity shop

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 14 Aug 2014 11:29 #826313

  • ganda's Avatar
  • ganda
  • Offline
  • Platinum Boarder
  • Platinum Boarder
  • Posts: 3900
  • Thanks: 154
Kaya ginawa namin, wala na libre. Mag rent sila kung gusto nila mag edit, no editing na sa counter dahil super abala lang sa mga nagbabayad at ngapaparint. Wala na research o tutorial, magsama sila ng marunong dahil maiiwan ang counter, mananakawan lang kami, nanakawan na kami dati dahil sa assist sa customer.


Kung gusto nila ng convenience, magbabayad sila ng service fee, P30 kahit minor lang gagawin. Pag may nagreklamo na simple lang naman, bakit ang mahal, ang banat namin, simple lang pala, eh dapat ikaw na gumawa, bakit gusto mo kami pa gagawa para sa iyo. Prangkahan na pero mahinahon namin sinasabi yan. Isa lang naman ang tunay na dahilan, dahil tinatamad sila at gusto nila, ituturo na lang at ikaw ang gagawa.

Dapat efficient ang operation sa shop, walang abala na nagpapabagal sa operator lalo na yung mga libre na pag pinagsama sama mo, ang laki ng actual cost mo
.[/quote]

tama ganyan din ako...nanakawan ako ng USB dahil sa kaka-assist ko. yung iba kasi kala ang dali-dali lang pero pag sila ang gagawa hindi naman nila magawa.. yung isang tomer ko may pinagawa sa excell nung nakitang angdali ko lang nagawa sabi ang dali lang pala eh..siyempre sagot ko, madali lang kasi alam ko na ang mga pinupuntahan ko tas sabi niya gawin niya na lang kaya yun pinagbigyan ko ..wala pa siya sa heading nalilito at hindi na alam ang sususunod na gagawain kaya ang ending saakin parin pinagawa..hehehe

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by ganda.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 14 Aug 2014 13:24 #826348

  • Pilosopong Tasyo's Avatar
  • Pilosopong Tasyo
  • Offline
  • Staff Emeritus
  • Staff Emeritus
  • Posts: 2200
  • Thanks: 521

lanshop2010 wrote: Napansin namin na na-spoil masyado mga customer ng internet cafe dahil sa dami ng internet cafe at sa mga shop na nililibre na lang mga services tulad ng mga gantio:

<snipped for brevity>

Dapat efficient ang operation sa shop, walang abala na nagpapabagal sa operator lalo na yung mga libre na pag pinagsama sama mo, ang laki ng actual cost mo.


So true.

Hindi ko rin nililibre ang scanning, editing, download, e-mail, atbp. Minor na pagtuturo, pahiram ng card reader at bluetooth dongle, that's fine by me. Tutal dito naman sila mag-rerent. Kaya kinukundisyon ko rin sila sa workflow ko. Para dito sila masanay. Pampa-pogi points din yang amenities na hindi available o ginagawa ng ibang shops.

Customers need to be conditioned that there is a price to pay for (in their opinion) "minor" conveniences.

Hindi naman sa mukha tayong pera, but if they put themselves in our shoes, they realize na it takes time, skill and know-how to do something which they think is trivial. Madaling sabihin, pero hindi pala ganoon kadaling gawin. It may be trivial and easy to do, pero tandaan natin na silang mga customers ang makikinabang. Ayaw ba nilang makinabang din tayo sa equipments na pinag-gastusan at oras+skills na ginamit sa trabaho natin?

Time is money, and in this business, time lost sa charitable works = lost opportunity for additional income for services rendered.

Ang tanong diyan, do all shop owners have this mindset? Or do they feel too charitable para lang makahatak ng customer?

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by Pilosopong Tasyo.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 14 Aug 2014 14:03 #826380

  • JD2Dmax's Avatar
  • JD2Dmax
  • Online
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
  • Posts: 604
  • Thanks: 26
parang up minsan ako, socialized ang tuition fee. pag nakikita ko yung mga elementary na mga bata, at alam ko naman wala talagang malaking perang mailalabas pinagbibigyan ko na. meron dito nag rerent lang ng half hour para mag search o minsan i eextend lang yung mga nag time na pc tapos isusulat lang sa notebook yung assignment, pero one time kailangan ipaprint yung assignment na pictures ng mga hayop, dapat ang normal rate nun ay 10 for research at 20 sa print. ginagawa ko na lang 15 which is printing cost lang, walang patong :)) parang social obligation ko narin na tumulong sa mga estudyanteng kapos hahaha :)). charity nga siguro tawag dun hahahaha :)))



pero minsan kilala ko rin naman yung mga tomers na estudyante na marunong naman gumawa, ayaw lang talaga. meron dito halos i charge ko ng 90 pesos gusto ba naman hanapin ko buod ng diary ng panget + pa type ng project, tapos mamaya maya mag ffb lang. sinabihan na ni ermats yung kasama niya na maghanap aba ayaw talaga nung bata.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Magkano ang charge nyo sa research ng mga students 15 Aug 2014 09:03 #826745

  • lanshop2010
  • Online
  • Gold Boarder
  • Gold Boarder
  • Posts: 2028
  • Thanks: 292

Pilosopong Tasyo wrote:
Customers need to be conditioned that there is a price to pay for (in their opinion) "minor" conveniences.

Hindi naman sa mukha tayong pera, but if they put themselves in our shoes, they realize na it takes time, skill and know-how to do something which they think is trivial. Madaling sabihin, pero hindi pala ganoon kadaling gawin.
...
...
...
Ang tanong diyan, do all shop owners have this mindset? Or do they feel too charitable para lang makahatak ng customer?


Yung nga ang problema, sa tingin nila ay minor lang dahil saglit lang natin gagawin. Hindi nila marealize yung time, money and effort para malaman mo yung mga bagay na iyon. Parang doctor, nag pa checkup ka, saglit lang, P500 agad singil, wala pa 10 minutes minsan. Pero sa computer, expect nila libre ang alam mo? Tapos papaassist ng mga ganyang kaalaman, expect nila libre? Tutorial na yun, mahal ang tutorial.

Kaya kami nagbago ng sistema ay dahil napansin namin na sobra abala talaga. At marami customer na abusado. Simpleng edit daw, tapos may dagdag, tapos may dagdag, maya maya, parang nagpatype na.

Isa pang halimbawa ay yung papa print ng picture galng sa memory card o usb drive. Eh sangkatutak ang pictures, ang tagal hanapin, tapos mamimili pa lang. May customer kami ganyan inabot ng 30 minutes sa kakapili at kakahanap ng picture. Taga turo lang sya, kami nag s-scroll. Sasabihin nila, "kuya paki baba pa, pakitaas, wala eh sa ibang folder naman." Hay naku! Kaya ngayon, pag nakita namin marami sobra pictures, pinapapunta na namin sa isang PC at sya dapat maghanap. Libre pa rin naman gamit ng PC dahil papaprint sya. Pero pag nag FB sya, babayaran nya sabi namin.

Eto pa pala isa, kukunin lang daw sa email. Saglit lang yun diba? Anak nang... Ang daming laman ng email, hindi pa alam kung ano yung file. Inabot din ng 30 minutes sa kakahanap. Nasa sa counter yan ha at kami ang naghahanap, taga turo lang sila.

Kaya nung napuno kami, binago na namin patakaran. Kapag may maangas na reklamador, kinukwento ko mga yan, tatahimik na sila. Akala ko nga babagsak printing ko nung ginawa ko mga yan. Nagulat ako, lalao tumaas. ^_^

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Last edit: Post by lanshop2010.
Moderators: Itwarehouse Speclin
Time to create page: 0.086 seconds