Oo, excited talaga, hahaha! Nung sumikat kasi itong PUBG nung 2017/2018, sa mga shops lang na may high end CPU/GPU nakakalaro yung mga gamers. May bayad pa yung game kaya iilan lang talaga nakakalaro. Kaya sarap ng kita ng mga shops na may high end units noon. ROS lang ang nakayanan ng mga PC ng ordinary shops. Ngayon eto na PUBG Lite para sa ating lahat.
Ang tanong na lang, mag-click kaya tong PUBG Lite sa mga gamers? Malalaman na natin mamayang 4pm kung may maglalaro. ^_^