Pabagsak na nga talaga ang computer shop business. Tulad ng pagbebenta ng newspaper at magazine, meron pa ring nagbebenta pero ang tumal na. At hindi rin ibig sabihin na napupuno ang shop, malaki na agad ang kita. Kahit malakas ang shop, hindi ganoon kalaki ang net income dahil ang laki ng operating costs and kailangan mong mag-upgrade after every few years. Siguradong mas malaki kita ng ibang business with the same amount of investment. Pero kung gusto mo talaga, ituloy mo lang. Sabi mo nga, dream business niyo yan. May sense of fulfillment kayo ng misis mo kung natupad niyo yan. Payo ko sayo, maghanap ng magandang location. Alamin mo target market mo. Tingnan mo rin competition sa area mo. Kung sa residential, huwag mong tingnan lang kung ilang shop ang nasa malapit. Magtanong ka kasi maraming pisonet sa mga bahay-bahay. Yung akala mong wala kang kompetensiya pero marami pala. Nakatago lang. Hehe. Tungkol naman sa internet, kung may location ka na, punta ka na lang muna sa ISP. Malalaman naman nila agad kung may fiber sa area niyo. Yung about sa outlet naman, isang PC isang saksakan lang gamit ko kasi yung PSU at monitor, nakasaksak naman sa AVR tapos yung AVR yung nakasaksak sa outlet mo. Lastly, maging masipag kang magbasa at maghanap ng solusyon sa sobrang daming problemang haharapin mo sa pag-operate ng lanshop mo. Di ko na matandaan ibang tanong mo. Hahaha.
Good luck sa inyo ng misis mo.