kung ang ibig mo sabihin na mukang ddr3 ay yung walang heat spreader, yung mga ganyang ram kasi usually oem lang, kasama sa mga prebuilt na hp, lenovo etc desktops. di sila usually player sa retail/diy market. anyway mahirap malaman kung genuine, subukan mo isa tas inspect mo physically kung ano brand nung chips, tingan mo din sa cpu-z yung mga detalye.
personally ang nasubukan ko kingston na fake, ddr3. micron yung chips. halatang fake yung sticker, walang hologram prang reflector lang. 1 taon di naman nasira, wala din bsod issues. pero 200 lang diperensya sa presyo, dun na lang ako sa authentic. walang warranty syempre yung fake. mahirap na.
kung konti lang difference sa presyo dun ka na sa kilala at me lifetime warranty. mas madali din ibenta yung mga kilalang retail brands kesa sa oem brands, mas maganda resale value.