What do you mean "bumibitaw yung voucher"? You mean yung mobile device bigla na lang na-unauthorize kahit may remaining time pa sya dapat? Sa isang particular mobile device lang ba madalas mangyari?
Ganito naman naencounter ko, may tomer na bumalik sa akin at ang sabi 1 day naman yung voucher nya binili sa akin, pero wala pang 1 oras di na daw sya makapag internet at napupunta na sya ulit dun sa login portal...Upon checking, I realized na everytime na i-turnoff/restart nya wifi or yung cellphone nya nagiiba nang nagiiba yung last four digits ng wifi device mac address nya, kaya ang nangyayari parang bagong device nanaman sya kay omada at nawawala na yung nakabind sa dati nyang mac address na voucher... Check mo sir kung same instance, observe mo mac address ng ginagamit nilang device.
Usually sa mga older version ng android sa Advance Wifi Settings>>Scanning Always Available (should be turned on) para di na sya mag auto change ng mac address. Sa windows 10 earlier versions naman merong tinatawag na "Random Hardware Addresses" na need mo i-off para di magpalit ng mac address.