Hi mga ka-ulop! May 10 units ako ng a8-7600 pc at plano ko sana magdagdag ng another 5 units.
A8-7600
MSI A68HM-E33 V2
2x2gb DDR3 1600mhz (overclocked to 1866 or 2133mhz)
So far kuntento na ko sa performance ng a8-7600. 60+ fps (80+ on 2133mhz) on League of Legends, 720p, max settings. Kayang kaya kahit may Google Chrome on background with Facebook and Youtube. Ang problema ko lang since 4gb RAM lang at iGPU(512mb) ang gamit, 3.5gb lang ang usable memory. Di pa kasama sa bawas yung ram na kakainin ng windows. Kapag naglalaro sila ng RoS at may nakaopen na browser (pareho to malakas sa RAM), minsan nakakaranas ng fps drop.
Kadalasang nilalaro ng customers ay Special Force, League of Legends at Rules of Survival (all on 720p). Not much on Dota 2.
May tatlo akong options para sa additional units ko.
CPU+MoBo+Dual Channel RAM
Ryzen 3 2200g - P13,000+ (8 core Vega graphics; Pwedeng OC with stock cooler)
A8-9600 - P10,000+ (Basically an A8-7600 on AM4 socket with DDR4-2400mhz; Lower clock speed and cache; Same 8 core R7 graphics; Pwedeng OC with stock cooler)
A8-7600 - P8,000+ (8 core R7 graphics; same as R7 240)
Kung A8-7600 ulit ang additional units ko. Pwede akong bumili ng 2x4gb ram with same latency(sa existing units) and mhz para i-share sa 5 existing units ko at maging 4+2gb dual channel which will partially solve yung problem sa taas^ (since ayoko naman na bilihan lahat ng existing units ko ng bagong 4gb RAM sticks at itambay nalang yung mga 2gb).
Kung A8-9600, downgrade pa to with higher cost. Ang advantage lang nito over A8-7600 ay higher max ram frequency (DDR3-2133mhz vs DDR4-2400mhz; benificial sa APU ang higher mhz) at upgrade path to Ryzen APU (same AM4 socket).
Kung Ryzen 3 2200g, ang problema ko lang dito ay yung cost since P5,000 x 5 = P25,000 which is medyo malaki na para sakin. Ang advantage naman nito ay matagal tagal pa bago ako magupgrade ulit. Pero di ko pa naman iniisip yung upgrades since light lang ang games na nilalaro ng customers ko.
Sa ngayon inclined ako sa A8-7600. Sa tingin niyo anong mas okay sa 3?
Ryzen 3 2200g, A8-9600 or A8-7600?