Ayos naman yung Redragon. Redragon yung keyboard, mouse at headset ko sa shop. Isa't kalahating taon na pero isang keyboard pa lang yung nasira (di na gumana yung isang key niya). Lahat ng mouse gumagana pa rin. Yung headset niya (garuda gamit ko), komportable suotin at hindi sumasakit sa tenga pero medyo mahina volume niya. Sa headset siguro, mas gusto kong a4tech na lang. Mas mura rin kasi. Though di pa ako nakakagamit ng ibang headset like badwolf, etc. Nalalakihan kasi ako sa kanila. Haha. Matibay yung keyboard at mouse. Maganda rin yung wire nila. Kung sosyalan yung shop mo, pwede mo 'tong bilhin. Pero kung residential lang tapos mga bata customers mo or yung wala masyadong alam, I suggest yung regular mouse na lang bilhin mo. Marami kasi dito sa amin di alam yung gaming mouse na pwede mong palitan yung sensitivity by pressing the dpi button. Kaya nagrereklamo na lag daw sila kahit di naman. Nakakapagod magturo minsan. Haha. May dalawang set rin ako ng fantech na keyboard/mouse. Ayos rin naman sila.