rapoo, a4tech normal keyboard at mouse po gamit ko dito. May mga pc kasi na di pinapansin ng mga tomer ko dito na gamers. May portion kasi ng shop kung saan pinagsama-sama ko mga pc na medyo maganda specs. Pero ROS, Dota2, Garena Games, CF lang naman mga nilalaro nila dito. Kaya di naman masyadong demanding sa specs mga games na yan. Kaya lang ako maglalagay ng illuminated keyboard at mouse ay para mapansin ng mga tomers yung ibang pc ko na pwede din naman nilang laruan ng mga games na yan. Naka-order na ako kingbao at badwolf. Test ko muna. Mabilis din masira mouse na a4tech, try ko yung may huano 20 million clicks if matibay. Headset naman hahanapin ko. Mga headset ko dito rubber earpads. Madali na masira yung rubber di na tulad nung apple headsets dati. Kinakalawang din metal parts. Kapag wala akong nakitang headsets na maganda pero di kamahalan, dun na lang ako sa counterpart ng rubber earpads na synthetic leather earpads. TNX.