Ano po magandang mouse pad? Rakk mouse pads (rubber) gamit ko dito. Ok naman po, matibay. Ang problema lang sa katagalan naiiba na texture nya at minsan tumitigas na at di na kumakagat ang laser ng optical mouse. Kung fabric naman ang naranasan ko mabilis masira yung pad nito sa ilalim at natatastas o humihiwalay naman yung tela. bukod pa dyan yun libag na naiipon as time goes by. Fantech mousepads po ba maganda? Iniisip ko kung maganda ba yung rubber mat na nabibili, yung minsan ginagamit sa sahig ng tricycle or ginagawang panapin sa sahig para higaan. Mura pa. May nakasubok na ba nito? TIA.