Update lang po sa L120 ko, buhay na po sya ulit salamat sa nag post ng WIC resetter tapos ang gamit na key ay "trial". Medyo meron lang kakaibang nanyari, sabi po kasi sa post eh 10% lang mababawas ng "trial" reset, pero naging 100% po yung pagka-reset. Hindi ko po sure ano nanyari pero kwento ko na lang ano ginawa ko. Una kinabit ko yung L120 sa isa sa mga rental PC ko na naka deepfreeze, nag install ako dun ng WIC soft tapos ni-reset yung L120 ko. Check ko yung status ng printer, 90% ung wastepad sabi ng WIC soft, so 10% nga lang nabawas, ok na rin atleast magagamit na sya. Nilipat ko yung printer sa server PC ko tapos nag head clean ako, palibhasa na stock ng matagal inabot ako ng halos 4 cycles ng head cleaning bago umayos yung print-out. Dahil nga nasa isip ko na 10% lng na-reset ko, nag install din ako ng WIC sa server para ma-check ko kung ilan percent na yung wastepad, yun na,lumabas 7% good status, nawala yung 90% , naging 7%. Kaya happy n po ulet. Salamat ulet sa nag-post about trial key ng WIC. :)