wayneownage wrote: Ok to kung pipiliin mo ung mga nerd na students. Teach them linux. sa napapansin ko sa mga studyante, MS Word pa nga lang, nganga na. Eto ung mga studyante na may Computer Subject daw.
Huwag natin isipin na mahirap ang Linux, kasi kung passion mo naman ito, at gusto mong matutunan tiyak na malalaman mo rin ito.
Marami ng mga user friendly na Linux, kaysa noong nag start akong mag install ng Linux, mas mahirap kasi di ito GUI. Gagamit ka lang ng keyboard. Like yung Slackware Linux or ang unang RedHat. Noong 1999 pa sinubok ko na ang Linux. Kasi kailangan sa trabaho ko ito.
Hindi ako magaling na tao, pero bakit nagawa kong matuto? Dahil sa pag babasa at research. Hindi parin naman ako expert hangga ngayon. Lalo na natigil ako sa passion kong ito.
Ngayon, nag decide akong i share na ito. Kasi habang tumatagal kong di gawin ito, ako naman tumatanda na lalo. :( Kumo konti ang time.
So sa mga hindi technical na tao, pwede rin naman ang Endless OS. or ang Elementary OS. Marami ng, sa tingin ko, na mas user friendly na OS Linux desktop ngayon.
Pero kung i compare natin talaga sa Windows, ito, siempre iba na ang usapan.
Ang sa akin e, mas maganda matutunan ng mga kabataan ang Open Source, kasi makakatulong din ito sa kanilang personal economy. Yung palang magamit mo sa need mo ang Linux desktop, e advantage na sa iyong personal, kasi di mo kailangan bumili ng software.
Kami sa bahay, after na tumanda na ang Mac OS X or Macbook laptop namin ng wife ko, ito ay 2010 model pa. Dinownload ko ang Ubuntu, 64-bit, ito ngayon ang ginagamit namin sa aming home-based business ng wife ko. Libre na, kasi di mo kailangan magbayad, bago ito i downlod. Although meron ng option ngayon. Libre pa ang kailangan namin softwares, like browser, etc. at updates ng mga ito.