Nagulat nga ako ng nakita ko mga learning materials/tools ngayon. Sobrang dami na at mas madali na mag-aral. Dami tutorial websites (example, codeacademy kung gusto mo matuto ng web development/programming) at video tutorials sa youtube. Pwede rin galing kay Jack Sparrow kung yun trip mo.
Pag actual exercises naman tungkol sa linux o cisco networking, may vmware/virtualbox na at mga emulator na cisco routers. Ang galing! Kumbaga, interest mo na lang at dedication sa pag-aaral ang kailangan. Pakiramdam ko nga ngayon, araw araw ako nasa klase pag nagbabantay sa shop, hehehe. ^_^
Kumbaga dito sa web technologies, puhunan mo ay oras at tiyaga sa pag-aaral. Tapos oras at tiyaga at kapal ng mukha pag nag-aaply na sa oDesk. Walang malaking pera na kailangan.