I-share ko narin. Oo nga pala. Medyo off-topic. Pasensiya na.
Pero meron din nasa topic. Para malaman din ng iba ang history. At bakit naging pioneer din ang Red Hat pagdating sa business using Linux. I think 1993 ito nag-start as a business.
Background ko sa Linux/work.
Galing ako sa isang pioneer na ISP sa Pilipinas. Ito ang mozcom.com. Sa Makati ang pinaka-data center nila.
Nag-setup ang boss ng point-of-presence (POP) dito sa Pampanga. Nag-franchisee siya sa Mozcom ISP. Noong 1996 pa.
Mga 1998 nag-start na akong nag try ng Red Hat. Inin-troduce ng American na customer namin ito sa akin. Sabi niya why not setup/use Red Hat Linux.
Nag-hiram ako kagad ng book at pina-print ko ang Red Hat na librong ito. Humingi rin ako ng copy ng installer ng Red Hat Linux. Yun duon na nag-start ang pakaka-interest ko sa Linux Red Hat.
Last 1999 nag-training ako sa systems adminsitration using Red Hat. Sa Makati. Doon ko natutunan ang basic ng BIND/DNS, Squid Proxy/Caching Server, ftp/anonymous, Apache/Web Server and e-mail server setup/configuration/administration.
1999, din namin inin-plement ang first Red Hat Linux server namin, running Squid Caching Proxy server. Para mapabilis ang access ng mga customers namin. Kasi nga provider kami ng Internet dito sa Pampanga noong time na yun.
Nag-sara ang company namin noong 2007. Nakakalungkot. Pero salamat sa ups and downs sa business na ito. Natuto rin ako. Salamat sa boss ko. Nag-tayo ng ISP dito sa Pampanga. First din ito, take note na ISP.
Wala pa noon ang PLDT ISP business. Puro voice services lang sila. Yung phone calls. Nag-ti-tiyaman tiyaman lang ang PLDT. Akala siguro di mag-bo-boom ang Internet (ISP business). Yun nai-sip din nilang gumalaw para di maiwanan. Sumunod na ang Digitel broadband.
Na-down ang company namin. Noong gumalaw na ang PLDT at Globe and Digitel. Natalo kami sa ISP services nilang broadband. Siempre marami silang capital/pondo/existing network/system. Kaya no much kami sa kanila.
Pero I'm proud to say na ang mozcom.com; Internet Service Provider (ISP), is the first ISP sa Pilipinas. At kami as a point of presence ng Mozcom. Ang naging pioneer sa ISP business/services, dito sa Pampanga.
2008, na hire ako as a network engineer. Dito sa isang malaking business/school dito sa Pampanga. Salamat ng marami sa Diyos. Until now dito parin ako connected.
Again, just sharing ang aking background...Di para ito ipag-mayabang. Just proud to say it. I'm not bragging. Eka nga sa english.