xernan22 wrote:Mga bossing pwede kaya ang Linux OS for computer shops?
PROS?
>
CONS?
>
please share your ideas and experiences for those who have tried Linux
sir nung nag open ako ng computer shop nung May last year, lahat ng computers ko naka slackware 12, currently testing slackware 13 sa server muna bago ko deploy sa ibang pc, ito yung mga na observe ko
CONS:
- lagi may vacant (mga 3hrs lang ako puno sa 9hrs operation), siguro dahil konti lang games or dahil ako pinaka mahal sa area namin 20/hr compaired sa 10/hr-15/hr na windows based gaming shops
- kailangan mo pa i-assist yung mga customers na hindi familiar sa linux desktop environment ( sa umpisa lang naman ito ), xfce na gamit ko, dati blackbox + fbpanel
PROS:
- since ang magiging customers mo yung mga laging friendster/facebook/chat/youtube/research dahil alam nila walang ma-ingay na gamers sa shop mo, madalas din ang printing
- hindi kailangan mabibilis na pc or madalas na upgrades, hindi karin apektado kapag may bagong bukas na gaming shop sa area mo, ito kasi nakikita kong trend sa area namin, kapag may bagong bukas na shop bago/mabibilis pc ang mga lumang gaming shops magbababa sa 10/hr after 2 months sarado na, after ilang months ganun ulit ang cycle
- kahit wala ng antivirus, basta strict file permission pwede na, ito ang gusto ng ibang regulars ko dito, hindi na nila kailangan magpaalam kung may flash drive sila para mag upload or download
ang gastos ko lang sa software warcraft 3 + FT (1k each pc) para sa dota, hindi ko mapagana sa garena pero walang problem sa battlenet, mga linux native games na nilalaro sa shop ko, true combat(lan), urbanterror(online), savage 2(online), glest(lan)