rejoboto wrote: mag aaral po sana kasi ko ng linux . tanung ko lang po anu-anu mga magagawa ko sa ubuntu ? kasi parang wala ako matutunan . at anu pong linux base ang madali at marami ako matutunan
Marami kang magagawa sa Linux. Kung ano ang karaniwang ginagawa mo sa ibang desktop OS ay maaari mo ring gawin sa Linux distribution na napili mo.
Paano mo matututunan ang pag-gamit ng Linux OS, kamo? Ah, eh, nag-uumpisa yan sa
pag-gamit mo ng iyong paboritong search engine sa pag-research tungkol sa OS at maraming pagbabasa upang maintidihan at matutunan mo ng mabuti ang OS, lalo na kung ano ang pagkakaiba nito kumpara sa Windows OS na iyong nakasanayang gamitin.
Dito pa lang sa ULOP forum, merong isang buong section na dedicated sa Linux. Search ka lang at magbasa. Meron ding sariling forum ang Ubuntu. Mainam na doon ka rin pumunta at magbasa.
Yun lang po. Bow. ^__^