Good day po mga Sir!! Hingi lang po sana ako ng advice kung ano ba ang pwede ko gawin sa internet ko kasi dalawa ang ISP ko, globe and PLDT & gusto ko na ipaputol ang globe kasi lagi na lang napuputol ang internet ang problema, nag-avail ako ng telpad plan nila na may lock-in period until 2020 pa. Tumawag ako sa PLDT kung pwede ko ba ipa-upgrade yung speed ko na 6mbps ang kaso, hindi na daw ako pwede mag-upgrade kasi tinanggal na daw ang telpad plan nila and kung gusto ko daw bumalik sa dating home dsl plan ko, dapat daw ipadisconnect ko daw muna yung telpad plan ko pero babayaran ko yung natitirang buwan hanggang sa matapos ang kontrata ko eh hindi ko na kakayanin yung babayaran kasi 3K ang monthly ko tapos 10months pa matapos yung kontrata ko sa kanila. Pakiramdam ko tuloy, para akong nadenggoy ng PLDT & sobrang pagsisisi ko ngayon kung bakit ako nagpadala sa makukulit na tauhan ng PLDT na panay ang alok ng telpad plan nila. Baka meron kayong alam na solusyon kung paano ko lulusutan yung trap ng PLDT eh mukhang matagal pa bago magkaroon ng fiber dito ng PLDT.