Bawal po bang kabitan ng ibang router ang pldt home fiber router? Mula po kasi nung April up to present nagkakaproblema yung pldt fiber namin, bigla na lang nawawalan ng connection, minsan segundo lang minsan inaabot ng 30 minutes. Maka-ilang beses na din napuntahan ng mga technician ng pldt ayos naman daw reading sa fiber cable, kaya wala din silang modifications na ginagawa. Sana nga daw pag nagpunta sila sa susunod ay matapat na may problema para malaman talaga nila kung anu talaga ang problema ng fiber namin. Kinabitan ko ng router para ma-share yung connection sa PC namin sa bahay at saka dito sa server timer ko. Sa mga clients may iba akong ISP (1 globe, 1pldt). Kapag nagkakaproblema lang sa 2 ISP ko na yan saka ko kinokonek ang mga clients ko sa fiber line namin. Yung kapitbahay naman namin di nawawalan ng konekyon, pldt fiber din sila at may nakakabit din na router sa fiber modem nila. Bawal kayang kabitan ng router ang modem ng pldt fiber? TIA.