Yes, kosang KynjoLynx at sanwee. Tama yung sinasabi n'yo na pag nagdeclare ka ng sales at backed-up ng F/S and/or BIR documents, yung sales figures na isinubmit mo ang gagamitin ng LGU sa pagcompute ng local tax.
Ang nais kong itanong ay paano yung mga walang F/S at BIR docs? Basta na lang ba pinaniniwalaan ng LGU n'yo ang dineklara nyong benta? Kung hindi, ano ang ginagamit nilang formula?
Gamitin natin itong halimbawa:
jetsb1321 wrote:
atakihin ata ako sa puso...
umabot 21t renewal business permit (5 PCs lang naideclare) magkano kaya aabutin pag kasama yung additional 11 PCs, di pa kasama fire extinguisher. grabe dito sa Q.C. sakit sa ulo
Kung bawasin natin yung mga Administrative Fees (Fire, Eng'g,, Health, etc.) and say P18,000 ang local tax component ng magiging payment ng Business Permit, I am sure di niya dineklara na P900,000 (P18K is 2% of this amount) ang gross sales nya para sa 5 PCs.
In this case, I would say, there is a gross error in the computation but still, he should ask how they computed for his gross sales and the corresponding tax.<br><br>Post edited by: xicowner, at: 2008/01/15 22:05