Tatanggapin na lang bang mangkukpit si Bantay?

  • Junnel_
  • Topic Author
  • Offline
  • Expert Boarder
  • Expert Boarder
More
5 months 1 week ago #1346831 by Junnel_
Haaayy mga bossing, nais ko lamang ilabas ang sama ng loob ko at di ko na din alam kung ano dapat ko gawin. 100% sure nangungupit si bantay! Ang mas malala, kahit anong paalala, gumagawa at gumagawa ng paraan para mangupit. Pabente bente, siguro 100 the most a day. Yun ang di ko sure.

Kasi ako, di talaga ako tumatao sa shop. May dalawa akong branch, 3 tao ko, nagiikutan sila or shifting. Yung isang bantay garapal eh. Yung isa sobra naman tino at mapapagkatiwalaan. Wala ka masabi. Yung isa pa, baka pakonti-konting kupit lang. Kaya siguro ako naging sobrang tiwala kasi yung una ko ngang bantay eh sobrang mapagkakatiwalaan.

Parang sya na din talaga overall na tiga pamahala ko. Nag start kasi ako sa unang branch ko na 5 units lang, ako talaga tao magisa dati. Hanggang sa lumago kahit papano at nanganak na isa pang branch. May mga printing and services kasi kami kaya nakakapangupit talaga at garapal nga.

Eh medyo mahirap din kumuha ng tao sa totoo lang kasi residential area kami eh.

Haaaaayyy ewan. Sensya na, nais ko lang talaga ilabas ito

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Related topics

Topic subjectRelevanceDate of latest post
Bantay..6.21Monday, 05 July 2010
Bantay6.21Friday, 05 August 2016
survey lang: sino mag isa lang sa shop?6.16Tuesday, 07 June 2011
More
5 months 1 week ago #1346833 by madintel
Replied by madintel on topic Tatanggapin na lang bang mangkukpit si Bantay?
simple lang solution jan ibawas mo sa sweldo kupit nya at kung magreklamo at ulitin ang pangungupit nya ay sisantihin mo na

warningan mo na sya para sure pero bantayan mo baka mas grabe ang kupitin sa susunod kaya unahan mo na kung kaya mo

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
5 months 1 week ago - 5 months 1 week ago #1346837 by Profit
Yung kupit sa printing at scanning mahirap talaga yan madetect. Isa lang nakikita ko paraan at least mabawasan mawala sayo... Not sure kung sa lahat ng printer brands meron page counter sa akin kasi Epson nakikita ko e kung ilan feed counter kapag nag nozzle check ako. Pwede mo ipasama sa report nya yun bago sya magout dapat nag jijive yung counter sa bilang ng naiprint nya. Yung mga na spoil/reject na print wag mo ipatapon ipasama mo sa bilang.

May lusot pa rin naman jan lalo na syempre magkakaiba rate depende sa print. Pero mas maminimized yung kupit. About sa monitoring ng scanning tingin ko pwede magawan ng program yan may naisip akong method pero sa coding part yun ang wala pa tska na busy pa din ako may mga pera pa kasi pang rent mga batang tomer ko.

BTW wala akong bantay e... ako at si misis o kaya anak ko lang bantay ng shop.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
5 months 1 week ago #1346838 by pressF8
hindi ko ma gets ano ibig mo sabihin ikaw lang den sumasagot sa tinatanung mo? my batay ka tapos kayo lang ni misis at anak mo nag babantay?

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
5 months 1 week ago #1346844 by SVCNet
gue ilabas mo lang ng ilabas

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
5 months 1 week ago #1346848 by MarRoxas2019
Replied by MarRoxas2019 on topic Tatanggapin na lang bang mangkukpit si Bantay?
kung wala ka ng tiwala eh pagbakasyunin o mas mabuti idispatsa mo na kesa ganyan stress ka baka maagang maulila mag ina mo nyan.lol kung totoo man ang hinala mo hindi mo na maiaalis yun sa kanya, magsakripisyo ka muna hanggat di nakakahanap ng kapalit at kung meron na, gawa ka kasulatan nyo na talagang matatakot syang mangupit at ipakilala mo sarili mo anghel sa kabaitan pero kapag nagalit daig mo pa si satanas.lol

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
5 months 1 week ago #1346850 by lanshop2010
Replied by lanshop2010 on topic Tatanggapin na lang bang mangkukpit si Bantay?
@Junnel_,

Ikaw naman, masyado ka naman ata mabilis mag give up sa problemang yan. Di ba napalago mo yung shop mo mula sa 5 units lang? Hindi hamak na mas mahirap gawin yan kumpara sa paghahanap ng solusyon kung paano mo mapipigilan yung bantay mo na mangupit.

Maraming solusyon na pwede mo subukan. Tulad ng nabanggit na ng iba dito.
1. page counter para sa mga printer
2. regular audit ng benta para alam ng bantay na minomonitor mo sila. Pag walang monitoring, lalo lalakas loob nila na mangupit. Temptation ang pera lalo na sa mga walang wala o may mga problema sa buhay.
3. Maglabay ng security camera sa lahat ng anggulo sa counter, pati mic recorders. Lagi i-review.
4. Regular briefing sa mga tauhan.
5. Bigyan mo ng share sa services. Halimbawa sa isang shop dito, may syang ilang services na may cut yung mga tauhan tulad ng typing, graphics editing, etc. P150 singil nya, yung P100 sa tauhan nya, P50 sa may ari. Parang bonus yan, may regular pang sahod sila.
6. Parang mga prutas o gulay yan, pag may bulok at hindi na talaga masalba, tinatanggal natin at tinatapon.
7. Etc. Mag relax ka lang, at mag isip. Marami pang pwedeng gawin. Masasabi ko na magandang problema yan kasi lumalago negosyo mo, at may mga solusyon. Ang mahirap na problema ay yung walang benta at walang customer at walang prondo na pang negosyo. Count your blessings!

Good luck! :)

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
5 months 1 week ago #1346875 by abcc
Kung MAGNANAKAW ang tao, magnanakaw talaga yun.

Puede pa konti konti, araw-araw, pag nakakita ng tiyempo, milyones na nakawin sayo kung meron.

Walang gamot yang sakit na yan, klepto?
Ikaw din, bahala ka.

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
5 months 1 week ago #1346880 by Sumudoy
Ang mahirap nyan, pag misis mo ang kinupit...lolz

mangyari na yan sa isa dito...lolz

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
5 months 1 week ago #1346907 by MarRoxas2019
Replied by MarRoxas2019 on topic Tatanggapin na lang bang mangkukpit si Bantay?

Sumudoy wrote: Ang mahirap nyan, pag misis mo ang kinupit...lolz

mangyari na yan sa isa dito...lolz


aw showbiz
pabulong.lol

Please Log in or Create an account to join the conversation.