Mga Ka--ULOP, anu po ba dapat kong gawin kung meron akong nagregister ako sa DTI ng Business Name pero di naman ako nagapply ng business permit? More than 10 years ago pa yun, dahil that time may nag-advice sa akin na huwag na mag business permit dahil liblib naman yung area ko at di mahigpit dito. Pero may nagsabi sa akin recently na baka may magtax map na sa area namin at dahil napalitan na din ang kapitan sa barrio namin. Kuha sana ako business permit, kaso sa checklist nila kailangan ng DTI registration. Ang problema expired na ang permit ko. Ano po ba dapat gawin para walang maging komplikasyon? New Business Name at New Owner? Or renew na lang yung lumang registration? Baka kasi magtaka sila na luma na DTI pero wala akong Business permit. Ano po ang best option? TIA