Sino may idea dito about setting up internet cafe? I mean dito mismo sa Quezon City.
Naghahanap kasi kami ng possible business, yung more or less 150k siguro starting investment. Yung Tita ko kasi na nasa Guam ngayon, gusto nila magkaroon daw kami ng business dito. Tapos unang balak nila, laundry and water reffiling station.
Problema sa dalawa, masyado mataas ang operational cost, from bayad sa tubig, tapos manpower sa pag dideliver tapos need pa ng sasakyan para makadeliver ng tubig. And add to that, dapat yung source ng tubig lakas. tapos may septic tank for laundry.
So naisip namin ng mama ko, why not internet cafe na lang. Para pwede rin kami mag bayad center. Connected na kasi ako sa Global Pinoy. Pwede na ako mag paload tapos online ticketing.