Pilosopong Tasyo wrote: Nagtataka lang ako kung bakit ang iba napakamurang maningil pagdating sa certain kinds of services that takes skill and/or a certain amount of time to finish. Halimbawa, audio-, video-, photo-editing, desktop publishing, etc. Ganyan ba kababa ang tingin ng iba sa mga skills na iyan?
Ganyan nga po kahit dito samin CD burn lang at least 100 pesos, DVD burn/copy 250 pesos complete with label and covers, ID photo minimum 60 pesos, photo editing and layout 150 pesos minimum di pa kasama printing. Ang binabayaran nila yung talent and skill with personalization and customization ng bawat CD, DVD at contents nito. Dagdag pa natin yung equipment o hardware para magawa ng mahusay ang mga ito, di ba malaki investment natin sa hardware, High end PC, DVD writer, Speaker with subwoofer, Digital SLR etc..
Dati mura din lang singil namin sa ganyan, e minsanan lang nagpapagawa samin nyan tapos time consuming pa nga lalo na kung makikipagsiksikan pa sila pag peak hours sa shop. Ngayon di na kami tumatanggap ng gusto e mura lang, dun sila sa mga mura maningil ubusin nila oras nung operator dun. Mas okay na lang samin magbantay lang ng shop may timer naman tapos marami pa iba magagawa lalo na kung home based lang business. Yung mga mura maningil dito samin di nagtatagal at nagsasarado na rin o di kaya nagsawa rin sa pagburn di na rin tumatanggap.