Goodluck sa business nio! IMO lang dapat may time ka sa shop mo, kahit hindi naman araw araw (kung may bantay ka) at least nabibisita mo, impt din na makilala mo ung mga magiging customer mo para maging at home sila pag nasa shop mo sila.. Kung may bantay kasi baka sungitan lang nia un mawalan ka ng customer..
At least dapat may alam ka din sa mga games na bago/uso at madalas laruin para at least ma update mo ung mga games sa shop mo.. pwera nalang kung meron kang staff na all around..
Kung may ka kumpitensya siguraduhin nio po na mas maganda ung service/pc nio sa kanila..
Sa business permit naman po, baka parehas lang ng procedure kelangan mo po muna ng DTI para sa name ng shop mo, after nun tsaka ka mag apply para sa permit..ung covered ng business permits are (fire,sanitation,electrical, permits, tapos kung ilan ung pc mo, kkwentahin nila) diko lang po sure kung parehas tau, pero at least baka sakaling mabigyan ko kau ng idea.. hehehe
goodluck!